Ang Tao Kapag Napaibig

Ang tao kapag napaibig, magulo ang isip

Mapaumaga’t gabi, ihip ng pag-ibig siyang binabatid

Sa tao ang pag-ibig ang siyang namumukod-tangi

Sa kalungkutan’t pighati ang hanap ng tao’y pag-ibig

Kapag ang pag-ibig tumawag parang isang kampana

Dinig ng bawat tao sa lipuna’y may kinagisnan

Kapag ang pag-ibig humaplos sa isang pusong manhid

Problema’y papawi, habag ang hatid sa pusong nagdaramdam

Kaya’y pag-ibig madaling mabatid

Hatid nito’y kaligayahan sa pusong inip

Tulad ng isang liwanag sa mata’y nagbibigay ligaya

Ang pag-ibig ang siyang liwanag sa tao’y nagbibigay galak

Kung ang pag-ibig papairalin

Kusa at laging mananatili

Kung ang puso’y marunong humalili

Pag-ibig kakabig at di pasisiil

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s