#ChristmaSerye (Ang Pasko din ay Pag-ibig)

christmas-love-images-and-wallpaper-4

I would like to dedicate this write-up for those who are looking for true love this Christmas. I apologize if I wrote this in Filipino, my native tongue.

Bakit kailangan ituring o isaalang-alang na ang Pasko din ay Pag-ibig?  Pero bago ko ito sagutin nais ko ulit magtanong; Sino ba ang may pakana ng Pasko?  Syempre ang sagot natin si Hesus na itinuturing natin natagapagligtas.  Pero, napagtanto n’yo na siya rin ang dahilan kung bakit ang Pasko din ay Pag-ibig?  Marahil napagtanto n’yo na ang ideya na iyon.  Kaya, sa patuloy kong pagninilay at paghihintay sa pagdating ni Hesus na isisilang sa sabsaban, ninais kong palalimin ang kahalagahan ng Pag-ibig sa Pasko.  Halos lahat ng awiting pamasko o di naman kaya mga kwento ng Pasko ay may kinalaman sa din sa Pag-ibig.  Pwede ba iyon na ang Pasko ay Valentine’s Day na rin?  Nakakatuwang nga naman isipin pero posible dahil hindi magkakaroon ng Pasko na siyang nagbibigay ng galak at kasayahan sa ating mga puso kung walang Pag-ibig.

Ang Pasko din ay Pag-ibig.  Dahil sa pag-ibig ng Diyos, ang Salita ay nagkalaman, nagkatawang-tao sa katauhan ni Hesus.  Ano ang ibig ipahiwatig ng Diyos sa atin?  Bilang mga nagagalak at naghihintay sa kanyang pagdating tayo ay kanyang iniimbitahan at hinahamon na maging tahanan ng kanyang pag-ibig ngayong darating na Pasko.  Kaya, ang tanong niya para sa atin ay ito; handa na ba ang puso mo magmahal na siya ring magiging sabsaban ni Hesus na isisilang?  Hindi talaga magiging makabuluhan ang Pasko kung hindi natin bibigyan halaga ang kahalagahan ng pag-ibig at pagmamahalan.  Ang pag-ibig ay hindi lamang mapapansin o madarama lamang sa mga taong nagmamahal sa atin o sa mga taong gusto natin mahalin.  Ito rin ay mapapansin o madarama sa kakayahan natin mahalin ang ating sarili o ang iba na di nagmamahal sa atin.  Kaya, ang tanong; Nagmamahal ka ba? Maka-Diyos ba ang iyong pagmamahal?  Naniniwala ka rin ba sa pag-ibig kahit nasasaktan, napapagod, nadarapa, o nawawalan ng pag-asa?  Hindi talaga biro ang magmahal.  Pero, kahit di biro ang magmahal, makabuluhan naman kung kaakibat sa ating pagmamahal ay si Hesus, ang Diyos ng Pag-ibig.

Ngayong darating na Pasko, ipanalangin natin na sana tayo’y kalugdan ng Batang Hesus, siyang isisilang sa sabsaban, ng pag-ibig. Sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig, tayo nawa’y maging katulad Niya; nagmamahal ng walang kapalit at busilak ang puso’t damdamin.               

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s